Posted in Facts & Random Thoughts, Personal, Tips & Ideas

When the Love is Gone

Well, I guess, 90% knows and experienced the trauma of not having a happy ending. Yung fact na you have given that person o yung relationship n’yo ng chance…after chance..after chance. T-R-A-U-M-A. Unti-unti mong nararamdaman na nawawala na yung love. Ano’ng natira? Traces and shadows of pain.

 

Alam kong madaling sabihin pero mahirap (sobrang hirap) gawin, pero wala ka naman talagang ibang choice kundi ang mag-MOVE ON.

 

The first question is, “How willing are you to move on?”

 

ACCEPTANCE.

 

Kailangan mong tanggapin na wala na talaga. Kailangang tanggapin na hindi talaga kayo para sa isa’t-isa. Ganun talaga eh. Kailangang tanggapin na TAPOS NA. Yes, it damn hurts, but you have to be strong.

 

Aminin mo, maraming beses mong pinagbigyan na magiging okay ang relasyon n’yo. Umasa ka na kaya pang magawan ng paraan. Kaso, minsan, obvious na naman na di na talaga pwede… IPINIPILIT mo lang. Ikaw lang yung TANGA na ayaw pang mag-move on. Bitaw na… TAMA NA.

 

Let go. Kailangan mo ng CLOSURE. Kung hindi man n’ya maibigay ito sa’yo ng direkta, ibigay mo na lang sa sarili mo. Lumayo ka na.

 

And what’s next? Kailangan mo itong PANINDIGAN, hindi para sa kanya kundi para sa sarili mo. Kailangan mong manindigan for that eagerness na makalimot…na makapag-move on. Pigilan mong mahulog ulit sa kanyang “patibong” lalo’t alam mong hindi ka naman talaga n’ya kayang “saluhin”.

 

Then, start on a clean slate.

 

Huwag ka ring matakot na magmahal ulit. Patuloy ka pa ring maniwala na may taong nakalaan para sa’yo. At palagi mong tatandaan na ikaw lang makapagpapasaya sa sarili mo. Kapag tinanggap mong mahalin ka ulit ng iba, hinahayaan mong maging masaya ka.

 

“God gave you this life because He knew you were strong enough to live it.”

 

Author:

Sole owner of FlipWebToday.com. A mother of two adorable boys, Aki & Yoshi. A working mom. A digital disciple.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.