Posted in Entertainment, Events, Family & Parenting, Lifestyle, Television, Upcoming Events

Reaction to Jollibee’s Mother’s Day Commercial #Jollibee

I can still remember nung bata pa ako na hinihintay ko buwan-buwan yung pag-uwe ni “mame” sa Lucena (Quezon Province). Laking lola kami ni kuya kasi nagtatrabaho sina mame sa Maynila, hindi naman kami maisama agad doon kasi wala naman titingin sa amin o maghahatid papasok sa school. Every end of the month or first week ng month, umuuwe sina dade at mame sa probinsya para bisitahin kami ni kuya, mag-iwan sa mga lola ng panggastos, saka magbigay sa amin ng pangbaon sa school. Two days lang sila palage, tapos aalis na. Tapos, malungkot na ulit…wala na ulit akong kasamang mommy sa loob ng isang buwan. Magbibilang na naman ng maraming araw hanggang makabalik sila.

 

Ang bilis ng panahon, ngayon, ako na yung nanay. May dalwang chikitings na ako na naghihintay sa akin sa pag-uwe galing sa trabaho. Sila naman yung naka-abang ngayon at naiinip sa paghihintay sa ‘kin. Minsan, sasabihan pa ako na ‘wag na akong umalis, ‘wag nang magtrabaho. Kung pwede lang sana… hehe.

 

So, eto na nga, malapit na naman ang Mother’s Day… Nakita ko yung bagong commercial ng Jollibee, “Kwentong Jollibee Mother’s Day Trilogy: Amor”. Napanood mo na ba? Eto yun…

 

Video Credits: Jollibee Philippines

Super true and realistic ng story na ‘to. “How far  will a mother be willing to sacrifice for her children?” Nakaka-relate ako talaga. ‘Pag nanay ka na, lahat gagawin mo, lahat kakayanin mo para mabuhay mo ang mga anak mo… mapakain, mabigyan ng matinong tirahan, maayos na buhay, mapag-aral… May mga times na yung parang susuko ka na, pero hindi pwede eh, hindi nawawala sa isip ng isang nanay na may obligasyon s’ya sa kanyang mga anak. Wala ka namang nanay na makikita at sasabihing, “Ay, ayoko na magtrabaho pagod na ako, tinatamad na ako. Hayaan nang walang kakainin ang mga anak ko. Hayaan nang walang gatas na maiinom ang mga anak ko.” Walang ganun. Hindi pwedeng ganun. Kaya pag nanay ka na, hindi pwedeng sariling kapakanan mo lang ang iisipin mo. You have little souls to take care, to look after.

 

Naalala ko pa nung baby pa sila, kahit puyat na puyat na ‘ko, ‘pag umiyak ang baby sa hatinggabi o madaling araw, wala akong magagawa kundi tingnan kung napa-dumi o ihi ba or kung nagugutom o di kaya naman gustong magpa-hele. Sila yung choice ko eh, hindi sarili ko. Ganun ang isang ina. May times naman noon na papasok ako sa office tapos gustong-gusto sumama nung isa, since I was on a tight budget, s’ya lang bibilhan ko ng food for lunch sa office. Magpapanggap na lang akong busog then kakain na lang ng biscuits. This is not being exaggerated, but it’s a fact. Andun yung feeling na kelangan mo magsacrifice eh, para masaya yung anak mo, para busog s’ya, para okay s’ya.

 

I completely agree with this heart-warming and so touching commercial from Jollibee. It’s as well an eye-opener to those kids and spoiled brats who thinks mom’s (or parents) can pick money from everywhere easily just to give them the lust that they’ve wanted. It’s indeed a hard work which involves, physical, mind and heart.

 

So this coming mother’s day, why don’t we express our utmost gratitude to our SUPER MOMS and let them feel that we thank them so dearly for what they have done and continue to do for our sake and happiness. Give them a gift if you can, a greeting card or a personalized letter… or even just a kiss with a sincere “Thank you, mom! I love you.”

 

And again, KUDOS to Jollibee for this superb commercial.

 

Advance Happy Mother’s Day to all the moms out there as well as to the dads who plays the role of a mom as well. Job well done!

 

 

Author:

Sole owner of FlipWebToday.com. A mother of two adorable boys, Aki & Yoshi. A working mom. A digital disciple.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.