Ang hirap mawalay sa internet sa panahon ngayon bilang libangan at komunikasyon. Mahirap yung di ka connected, ang bilis mong maiiwan sa updates. Hehe!
Globe Prepaid user ka rin ba kagaya ko? Share ko sa inyo ang ilang mga unlimited surfing promos na pwede n’yong magamit at kung saan kayo makakatipid.
DATI kasi ang madalas kong gamitin na promo ay yung GOTSCOMBODD90 na good for 7 days. Ang mga kasama n’yan ay:
- unlimited text to all networks
- 2 GB surfing
- 2 GB: GoWatch and Play (iflix, Viu, iWant, Rules of Survival, Free Fire, etc.); Kailangan mo pa itong i-claim separately with corresponding keywords
PERO ito ang mga bagong promo codes na pwede nyong gamitin this 2019 na MAS makakatipid kayo (send to 8080):
GOCOMBOAKFD187
Ito, nasubukan ko na kanina lang. Seven (7) days na yan na unlimited surfing worth 187 pesos. Tinesting ko lang nung una kung magwo-work. Aba, gumana nga!
Eto yung mga kasama ng promo na yan:
- 10 minutes call to Globe/TM/Cherry subscribers
- 20 texts to all networks
- all day surfing
Not bad, di ba?
GOCOMBOAKFA31
Ito naman yung code pag isang araw lang ang kailangan o afford mo. Hindi ko pa ito nasubukan pero pang 1 araw na unlimited surfing naman ito worth 31 pesos. Katulad ng nauna kong binanggit na promo, may kasama rin itong 10 minutes na call sa Globe/TM/Cherry mobile at 20 texts sa lahat ng networks.
GOCOMBOAKFB59
Tapos, ito naman yung pang 2 araw na unlimited surfing worth 59 pesos. May kasama rin itong 10 minutes call sa Globe/TM/Cherry mobile at 20 texts to all networks.
GOCOMBOAKFC83
Good for 3 days naman itong unli na ito sa halagang 83 pesos. Ganun din ang inclusions nya katulad ng mga nabanggit ko sa taas.
GOCOMBOAKFE386
Kung medyo may budget ka naman at naiinis ka sa palaging pagre-register ng unli, pwede mong gamitin itong code na worth 386 pesos at valid sya for 15 days. Same thing, may 10 minutes call sa Globe/TM/Cherry mobile at 20 texts to all networks.

Marami pa naman ibang mga promos na mae-explore mo sa *143# menu ng Globe pero yan yung mga TOP promos na sa tingin ko ay magagamit talaga ng mga “adik” sa internet gaya ko hehe. Pwede kang maging on-the-go talaga, mache-check mo mga emails anywhere at anytime, makakapaglaro ka ng mga online games, at updated ka palagi gamit ang iyong mga social media accounts.
Konting paalala lang, may limit kasi yung all day surfing promo ng Globe. So, kapag naka-800 MB ka na in a day, babagal na sya pero mare-refresh naman ulit yan the next day. Pero, uy, not bad na talaga yan ha. Almost 1 GB per day, sulit na sulit na yan!
Tapos, kapag may natanggap ka naman na message from Globe na ubos raw yung alotted MBs sa ni-register mong promo and regular browsing rates will apply, dedmahin mo lang. 🙂
Ayan, sana nakatulong yang nasagap kong promo codes sa inyo kasi malaking tulong din sa akin. 🙂
May alam pa ba kayong ibang mga promos? Share n’yo na! Comment below para makatulong din sa iba.