Minsan

Minsan, naaalala ko pa rin ang noon. Noong tayo pa. Naalala hindi dahil gusto ko pang ibalik kung ano ang meron tayo noon. Naalala, kasi isa iyong malaking parte ng buhay ko.

Photo by lalesh aldarwish on Pexels.com

Minsan, naaalala ko noong ang saya-saya pa natin. Noong parang napakagaan lang ng lahat kapag kasama kita. Namamasyal. Naglalaro. Nagkukwentuhan. Nagkukulitan.

Minsan, naalala ko pa noong naging ikaw lang ang mundo ko. Sa bawat araw, sa’yo umikot ang buhay ko. Noong mga panahong parang di kumpleto ang araw ko kapag di kita kasama.

Minsan, naaalala ko noong nagdesisyon tayong maging tatlo, at nasundan pa agad ng isa. Mga panahong lalong ibinigay ko ang buong puso ko para sa inyong tatlo. Ngunit…

Minsan, naaalala ko kung paanong unti-unti kang lumalayo. Makalwang-araw… Isang linggo… Makalwang linggo… Buwan… Mga buwan… Hanggang naging taon… Ika’y naglaho. Naglaho mula sa aming tabi.

Minsan, may kirot pa rin.

Minsan, masakit pa rin.

Minsan, naiisip ko, saan nga ba ako nagkulang? Nagkulang ba ako sa pag-aalaga? Nagkulang ba ako sa pang-unawa? Nagkulang ba ako sa panahon?

Minsan, naiisip ko rin, baka naman sumobra ako? Pero saang banda? Ang mahalin ka ng sobra?

Minsan, sinisisi ko ang sarili ko. Sinisisi na hindi ko nabigyan ng buong pamilya hanggang sa huli ang dalwang munti. Isang buong pamilya na hinahangad at pinagdarasal ng lahat.

Minsan, nalulungkot pa rin ako. Nalulungkot, nag-iisip kung bakit humantong sa ganito.

Gano’n pa man… Nagpapasalamat ako sa mga alaala ng nakaraan. Marami akong natutunan. Mas naging matatag ako. Mas tumibay ang paniniwala ko sa nasa Itaas.

Salamat…sa minsang ikaw.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.