Minsan

Minsan, naaalala ko pa rin ang noon. Noong tayo pa. Naalala hindi dahil gusto ko pang ibalik kung ano ang meron tayo noon. Naalala, kasi isa iyong malaking parte ng buhay ko.

Photo by lalesh aldarwish on Pexels.com

Minsan, naaalala ko noong ang saya-saya pa natin. Noong parang napakagaan lang ng lahat kapag kasama kita. Namamasyal. Naglalaro. Nagkukwentuhan. Nagkukulitan.

Minsan, naalala ko pa noong naging ikaw lang ang mundo ko. Sa bawat araw, sa’yo umikot ang buhay ko. Noong mga panahong parang di kumpleto ang araw ko kapag di kita kasama.

Minsan, naaalala ko noong nagdesisyon tayong maging tatlo, at nasundan pa agad ng isa. Mga panahong lalong ibinigay ko ang buong puso ko para sa inyong tatlo. Ngunit…

Minsan, naaalala ko kung paanong unti-unti kang lumalayo. Makalwang-araw… Isang linggo… Makalwang linggo… Buwan… Mga buwan… Hanggang naging taon… Ika’y naglaho. Naglaho mula sa aming tabi.

Minsan, may kirot pa rin.

Minsan, masakit pa rin.

Minsan, naiisip ko, saan nga ba ako nagkulang? Nagkulang ba ako sa pag-aalaga? Nagkulang ba ako sa pang-unawa? Nagkulang ba ako sa panahon?

Minsan, naiisip ko rin, baka naman sumobra ako? Pero saang banda? Ang mahalin ka ng sobra?

Minsan, sinisisi ko ang sarili ko. Sinisisi na hindi ko nabigyan ng buong pamilya hanggang sa huli ang dalwang munti. Isang buong pamilya na hinahangad at pinagdarasal ng lahat.

Minsan, nalulungkot pa rin ako. Nalulungkot, nag-iisip kung bakit humantong sa ganito.

Gano’n pa man… Nagpapasalamat ako sa mga alaala ng nakaraan. Marami akong natutunan. Mas naging matatag ako. Mas tumibay ang paniniwala ko sa nasa Itaas.

Salamat…sa minsang ikaw.

When Sleep isn’t about Sleeping Anymore

I usually fall asleep between 10 pm to 1 am, depending how tired I am on that day. Then I wake up around 6 or 7 in the morning. But tonight is another episode of my “almost” sleepless night. I fell asleep at 9 pm and woke up at 1:30 am.

It’s now 3 am.

When depression hits you, it really hits hard. It is not as easy to handle as you thought it is. It’s not a simple feeling of sadness. Depression is depression. They have given it a lot of definitions but for me, it’s really an indescribable feeling.

Continue reading

Ilang Tulog Pa Ba?! PASKO NA!

Ang bilis ng panahon, ilang araw na lang, PASKO na! Sa office nga may Christmas playlist na ako habang nagtatrabaho. Random Christmas songs yung nasa playlist ko, may English at syempre Tagalog songs. Ang lakas maka-good vibes! Nasa lima o anim ang paborito ko dun, pero syempre may #1 sa mga paborito ko, “Ilang Tulog na Lang?” by The Company. Familiar ka ba sa kantang yon? Sobrang nagustuhan ko sya kasi maka-Pilipino yung dating nung kanta na pinaparamdam nya yung pagkasabik sa darating na Kapaskuhan. Kung hindi mo alam yung kanta, eto ang lyrics nya (i-download mo na rin para mas magandang sabayan haha!):

Kanta nang kanta, ensayo nang ensayo, awiting pamasko’y di pa rin kabisado.
Sige lang nang sige kahit wala sa tiyempo. Malapit na kaming magkaroling sa inyo.

Bilang nang bilang ng inipong pera. Kabado man sa gastos ngunit tayo’y maligaya.
Bili pa nang bili ng kung ano-ano.
Alin nga bang regalo’ng ibibigay sa’yo?

Ilang tulog pa ba? Malapit na malapit na! Ilang tulog pa ba ang paskong masaya? Ilang tulog pa ba? Darating na.
Ilang tulog pa ba? Malapit na malapit na! Ilang tulog pa ba ang paskong masaya? Ilang tulog pa ba? Darating na.

Usok ng putobumbong–nalalanghap ko na.

Ilang tulog pa ba? Heto na heto na!
Ilang tulog pa ba ang paskong masaya?
Di na hihiling ng kung ano-ano:
mahalin mo lang ako, ayos na ang pasko

Hamon at keso’y malapit nang ihain;
kay tagal nang binili, hulugan pa man din. (Aray!)
Di bale nang medyo gipit basta’t tayo’y maligaya.
Ang masayang pasko’y hinihintay ko na.

Kalembang nang kalembang ang kampana—kay lakas!
Batian nang batian ng “meri krismas!” Lahat ng masalubong ay may ngiti sa labi. Kahit nagtatampuhan ay nagkakabati.

Ilang tulog pa ba? Malapit na malapit na! Ilang tulog pa ba ang paskong masaya? Ilang tulog pa ba? Darating na.
Usok ng putobumbong–nalalanghap ko na.

Ilang tulog pa ba? Heto na heto na!
Ilang tulog pa ba ang paskong masaya?
Di na hihiling ng kung ano-ano:
mahalin mo lang ako, ayos na ang pasko

Huwag mong bibilangin ang tulog sa tanghali,
Sasapit ang paskong pagkadali-dali. Magigising tayo sa tuwa’t ligaya
Ilang tulog pa ba? Pasko na! Pasko na!

Ilang tulog pa ba? Malapit na malapit na! Ilang tulog pa ba ang paskong masaya? Ilang tulog pa ba? Darating na.
Usok ng putobumbong–nalalanghap ko na.

Ilang tulog pa ba? Heto na heto na!
Ilang tulog pa ba ang paskong masaya?
Di na hihiling ng kung ano-ano: mahalin mo lang ako, ayos na ang pasko

Di na hihiling ng kung ano-ano: mahalin mo lang ako, ayos na ang pasko Ilang tulog pa ba? Ilang tulog pa ba?
Pasko na!

Ganda di ba?! 😂🎄

Continue reading

Prayer for Strength

woman looking at sea while sitting on beach

 

Dear Lord,

I spend my days pretending everything’s fine. I’ve been using my energy to put on a smiling face and show my children that I’m a strong mama and we’ll be able to get through all these. But sometimes, I felt like I am running out of strength. There are times that I feel defeated and broken down. It’s getting harder with each passing day to get out of bed and face everyone again. The world seems grim and my future too dark. Lord, please fill my heart with the knowledge of your love and your goodness.

Remind me that it’s okay to cry, that it’s okay to let out my frustrations and ask for Your help. I want to feel Your arms around me and lift me up from the dark hole I am in. I want to use this time to draw closer to You and gain a stronger relationship with You. I don’t want this pain to tear me down. Please give me the strength to continue on. I entrust my life with You.

Love,
Shari

When the Love is Gone

Well, I guess, 90% knows and experienced the trauma of not having a happy ending. Yung fact na you have given that person o yung relationship n’yo ng chance…after chance..after chance. T-R-A-U-M-A. Unti-unti mong nararamdaman na nawawala na yung love. Ano’ng natira? Traces and shadows of pain.

 

Alam kong madaling sabihin pero mahirap (sobrang hirap) gawin, pero wala ka naman talagang ibang choice kundi ang mag-MOVE ON.

 

The first question is, “How willing are you to move on?”

 

ACCEPTANCE.

 

Kailangan mong tanggapin na wala na talaga. Kailangang tanggapin na hindi talaga kayo para sa isa’t-isa. Ganun talaga eh. Kailangang tanggapin na TAPOS NA. Yes, it damn hurts, but you have to be strong.

 

Aminin mo, maraming beses mong pinagbigyan na magiging okay ang relasyon n’yo. Umasa ka na kaya pang magawan ng paraan. Kaso, minsan, obvious na naman na di na talaga pwede… IPINIPILIT mo lang. Ikaw lang yung TANGA na ayaw pang mag-move on. Bitaw na… TAMA NA.

Continue reading

Ang Bangka sa Kalmang Dagat…

Ang Sakit–

Napansin mo ba noong nawala sya? Siguro hindi. Malamang hindi. Talagang hindi. Hindi mo napansing nawala sya kasi nasanay kang “nandyan LANG” sya PALAGI.

Mahirap…mabigat…masakit…ang lumayo at tanggapin ang katotohanan na gaano man nya sinubukan, hindi mo kayang ibalik ang pagpapahalaga at ang nararapat para sa kanya.

Nadurog sya sa iyong pambabalewala. Napilitang lumimot at talikuran ang inyong alaala.

Ang Pag-Usad–

Nakita mo sya, subalit hindi ka nya napansin. Tinitigan mo sya habang unti-unti mong nakikita kung gaano nauubos ang kanyang atensyon kasama ng iba. Masaya. Masayang-masaya sa piling ng iba.

Pinagmasdan mo ang kanyang pagngiti. Isang malaking ngiti na animo’y bangka na pumalaot sa kalmang dagat. Nakita mo kung gaano sya kasaya. Isang bagay na hindi mo nasaksihan sa matagal na panahon dahil wala kang ginawa noon kundi ang bigyan sya ng pasakit, sama ng loob at iparamdam na di sya katanggap-tanggap.

Hindi mo naramdaman na sya ay unti-unti mong nilulusaw sa apoy ng iyong mga pananalita. Subalit sa lahat ng yan, napansin mo ba ang maraming gabi na di mo sya pinatulog sa pagdaramdam at kaiisip kung paano ba sya magiging sapat para sayo?

Continue reading

Four Days to Go ’til Christmas!

And the countdown continues…

 

Are you still thinking on what to cook on Christmas eve? Let me think and share some for you. These are common but at least can contribute…somehow…haha!

 

  • All-time MENUDO! My favorite!
  • Kare-Kare
  • Mechado
  • Pansit Guisado
  • Embutido
  • Hardinera
  • All-time lumpiang shanghai/shanghai rolls
  • Hamonado
  • Lechon Paksiw
  • Lechon Kawali
  • Cordon Bleu
  • Salpicao
  • Caldereta
  • Garlic-Buttered Shrimp
  • Black Pepper Crab
  • Grilled Liempo/Fish
  • Barbeque

These are just suggestions. Feel free to add more and comment below.

 

One of the importance of celebrating Christmas is also to have a bonding and cherish memories with our friends, families and loved ones. We, Filipinos, love food. We can have great memories over food. 🙂 But whether you have lots of dishes to share with or few, the most important thing is we are all happy, complete and blessed.

 

Prayers to all the sick people, that they may recover the soonest and may they enjoy this holiday season with their families.

 

May your Christmas be decorated with cheer and filled with love. Have a wonderful holiday!