DON’T BREAK A BIRD’S WINGS AND THEN TELL IT TO FLY

Read the title again, “Don’t Break a Bird’s Wings and then Tell it to Fly“. Ano nga ba ang ibig sabihin nito?

  • Don’t break a heart and then tell it to love.

WOW ha. Hindi ganun kadali magmahal o magmahal ‘ulit’ after a heartbreak.

  • Don’t break a soul and then tell it to be happy.

Pwedeng related din ito sa una kong sinabi. Of course, kapag bnreak mo heart, kasama na n’yan ‘matic yung lungkot. Or if not in that case, any frustrations makes one sad. Lalo na kung you’ve given much effort, dedication and all tapos masasaktan ka lang pala. Tapos sasabihin sa’yo just be happy. OH my, easy to say. Hindi gano’n kabilis magrecover. Oo, eventually, magiging masaya ka rin naman sa mga bagong mangyayari sa buhay mo pero hindi agad-agad. Lalo pa’t part na yun ng memory ng isang tao, kahit matagal nang tapos na.

  • Don’t judge people and expect them to stand by your side.

Ano ka, hilo? Isa sa pinakamasakit na gagawin mo sa isang tao ay i-judge s’ya based on haka-haka, tsismis, inggit, or whatever. Who wants that? Kahit ikaw ayaw mong ma-judge di ba? So now, in case jinudge mo ang isang tao then after some time, you need his/her help or support, would you expect na that person will stand by your side? Na ipagtatanggol ka n’ya? Na tutulungan ka n’ya? Na susuportahan ka n’ya? I doubt. Same goes sa relationship… Jinudge mo yung ka-relasyon mo, nagduda ka, meron kang trust issues kahit never ka naman n’yang niloko or whatever, do you think tatagal ang relasyon n’yo? Pwedeng patawarin ka n’ya ngayon o intindihin, pero pano kung paulit-ulit na ganun ang ginagawa mo? Wag mo nang i-expect na tatagal s’ya sa’yo o sa relasyon n’yo. Masakit sobra nag ma-judge ng wala ka namang ginagawang masama.

Life is about giving and taking. You cannot expect to give bad and receive good. Vice versa, you cannot expect to give good and receive bad. Sa lahat ng gagawin mo, always take time to THINK FIRST. 🙂

When the Love is Gone

Well, I guess, 90% knows and experienced the trauma of not having a happy ending. Yung fact na you have given that person o yung relationship n’yo ng chance…after chance..after chance. T-R-A-U-M-A. Unti-unti mong nararamdaman na nawawala na yung love. Ano’ng natira? Traces and shadows of pain.

 

Alam kong madaling sabihin pero mahirap (sobrang hirap) gawin, pero wala ka naman talagang ibang choice kundi ang mag-MOVE ON.

 

The first question is, “How willing are you to move on?”

 

ACCEPTANCE.

 

Kailangan mong tanggapin na wala na talaga. Kailangang tanggapin na hindi talaga kayo para sa isa’t-isa. Ganun talaga eh. Kailangang tanggapin na TAPOS NA. Yes, it damn hurts, but you have to be strong.

 

Aminin mo, maraming beses mong pinagbigyan na magiging okay ang relasyon n’yo. Umasa ka na kaya pang magawan ng paraan. Kaso, minsan, obvious na naman na di na talaga pwede… IPINIPILIT mo lang. Ikaw lang yung TANGA na ayaw pang mag-move on. Bitaw na… TAMA NA.

Continue reading

Ang Bangka sa Kalmang Dagat…

Ang Sakit–

Napansin mo ba noong nawala sya? Siguro hindi. Malamang hindi. Talagang hindi. Hindi mo napansing nawala sya kasi nasanay kang “nandyan LANG” sya PALAGI.

Mahirap…mabigat…masakit…ang lumayo at tanggapin ang katotohanan na gaano man nya sinubukan, hindi mo kayang ibalik ang pagpapahalaga at ang nararapat para sa kanya.

Nadurog sya sa iyong pambabalewala. Napilitang lumimot at talikuran ang inyong alaala.

Ang Pag-Usad–

Nakita mo sya, subalit hindi ka nya napansin. Tinitigan mo sya habang unti-unti mong nakikita kung gaano nauubos ang kanyang atensyon kasama ng iba. Masaya. Masayang-masaya sa piling ng iba.

Pinagmasdan mo ang kanyang pagngiti. Isang malaking ngiti na animo’y bangka na pumalaot sa kalmang dagat. Nakita mo kung gaano sya kasaya. Isang bagay na hindi mo nasaksihan sa matagal na panahon dahil wala kang ginawa noon kundi ang bigyan sya ng pasakit, sama ng loob at iparamdam na di sya katanggap-tanggap.

Hindi mo naramdaman na sya ay unti-unti mong nilulusaw sa apoy ng iyong mga pananalita. Subalit sa lahat ng yan, napansin mo ba ang maraming gabi na di mo sya pinatulog sa pagdaramdam at kaiisip kung paano ba sya magiging sapat para sayo?

Continue reading

Value and Love Yourself

There’s nothing wrong to love. What could be wrong is when you let someone makes you feel unimportant and makes a fool a fool out of you.

 
If that special someone really loves you, he’ll make time for you… He’ll value your existence… He’ll cherish every moment spent with you.

 
If that special someone really loves you, he’ll trust you all the way… In return, he can be trusted even if you’re not around.

 
If it’s the other way around, THINK. My dear, value and love yourself. It is you who should love yourself first. If not, who else will?