Reaction to Jollibee’s Mother’s Day Commercial #Jollibee

I can still remember nung bata pa ako na hinihintay ko buwan-buwan yung pag-uwe ni “mame” sa Lucena (Quezon Province). Laking lola kami ni kuya kasi nagtatrabaho sina mame sa Maynila, hindi naman kami maisama agad doon kasi wala naman titingin sa amin o maghahatid papasok sa school. Every end of the month or first week ng month, umuuwe sina dade at mame sa probinsya para bisitahin kami ni kuya, mag-iwan sa mga lola ng panggastos, saka magbigay sa amin ng pangbaon sa school. Two days lang sila palage, tapos aalis na. Tapos, malungkot na ulit…wala na ulit akong kasamang mommy sa loob ng isang buwan. Magbibilang na naman ng maraming araw hanggang makabalik sila.

 

Ang bilis ng panahon, ngayon, ako na yung nanay. May dalwang chikitings na ako na naghihintay sa akin sa pag-uwe galing sa trabaho. Sila naman yung naka-abang ngayon at naiinip sa paghihintay sa ‘kin. Minsan, sasabihan pa ako na ‘wag na akong umalis, ‘wag nang magtrabaho. Kung pwede lang sana… hehe.

Continue reading